naalala ko nung 3rd year ako. pinapag-saulo kami ng aming english teacher ng isang pagkahaba habang tula. ang pmgat nito e dover beach. by persibisisheli. hahahaha
hindi ko ito sinaulo..
si gemalyn… isang kaklaseng parang ako din. nag usap kami, usap kmi lgi pag mga gntong pagkakataon.
“may saulo kana?”, gemalyn.
“wala e, kaw, wag n tau magsaulo ha??” ako. xmprenaghahanap ako ng kakampi..
“bhala na, pero magsasaulo din ako kht konte:”, gemalyn.
umalis na si gem. nagkanton na ata sila. E nainsecure ako sa ilang mga kaibigan. At nkta ko ang libro ni gemalyn sa upuan.
npangiti ako. kinuha at pinunit ang dover beach..
“waw, nagsasaulo ah?”, nagkita kami ni gemalyn sa canteen.
“xmpre, natkot ndn ako”, pero deep inside hindi padn naman ako nagsasaulo.
_________________
Sa room
binuklat buklat ni Gem ang libro.
“putang ina, nasan ang dover beach ko”, gemalyn.
“hala gem.”, sabi ko naman na nagmamaang maangan.
“tang ina mo aru!”
KINABUKASAN NA NGA ANG DOVER BEACH. pinunit ko ang libro ni gem. hindi xa nakasaulo. at hindi din naman ako nakasaulo. MASAYA AKO KASI DALAWA KAMI. ganyan ko kmhal si Gem..
(gem ano kasi e. wala akong libro)
FINALS NA!
NIrecquire ni mam ang putang inang dover beach. bukas na yun. nagpanic ako. sa isip ko, kelangan ko nanamang magnakaw ng echoes, nwala ko n ung pinunit ko sa book ni gem. hanap ako sa pligid. wala tlga. kya napilitan akong magbuklat ng mga bag. wala tlga. umaga kasi.. e panghapon un. pero napadpad ako sa may likod. nkita ang lavander na libro.. magusot na nakatiklop sa gitnang pahina. kinuha ko. at pagkita. ECHOES nga eto.. tumingin ako sa paligid. walang nakatingin. pasimple ko ng nilgay sa bag.
__________
masaya na akong umuwi. katulad ng dati. tatapusin ko muna ang gawaing bahay ko bago mag aral. ang pagcocomputer. 10pm ako plgi natatapos.
MAGSASAULO NAKO
tinapon ko playo ang mga notebook at mga papel sa aking STUDY TABLE. binuksan ang ilaw. inayos ang office table. hinanap ang bag, para kunin ang libro. nilagay ang libro sa ibabaw ng lamesa. umupo, at nagstretching.
binuklat ang libro..
hindi ko mhanap ang page ng dover beach.
nabwisit na ako BUKAS n un pero wla pkong saulo.
tinignan ko ang cover page
at dito ko nga nkita……
GEMALYN GONZAGA
III-ST.AUGUSTINE
.jpg)

No comments:
Post a Comment